|
Mukhang natapos na rin ang pagka-senti ko. Patawad na lang kung medyo malabo ang mga sinulat ko kahapon. Ang dami lang talagang mga g*go sa mundo. At syempre nakakamiss din ang pagdadrama ng walang dahilan, noh. Isa akong masayang tao. Masayang-masayang masaya! Balewala na yung mga problema sa pag-ibig, hindi naman talaga yan problema e. Ako pa! Ako ata ang nagpasimuno ng buong kalokohan na ito. Medyo nababaliw lang naman ako paminsan-minsan pero sa totoo lang alam ko naman talaga na walang kwenta lahat ng pinagsasabi ko. Tulad nga ng sabi ko dati, nag-iimbento ako ng sarili kong mga problema dahil mas makulay ang buhay na ala-telanobela. Di ba? Yun lang naman. Para malinaw lang sa ating lahat na hindi ako sawi. Oh dear. My Tagalog is getting really rusty. |
| edenvirg June 9, 2007 04:42 PM PDT Hindi daw. LOL. Uy, kailan ka ba ggraduate? Haha. At bago na naman ba iyan? Ay, nga pala. TAG! Haha. Turn mo nang magsabi ng 10 weird things about yourself. I'm sure kahit hanggang 100, kaya mo. Haha. | ||
| Leave a Comment: |